7D6N HONG KONG! 10K KAYA BA? MAGULO BA AT SAFE BA SA HONG KONG?
- cedriclaureta
- Nov 6, 2019
- 4 min read

Long post Alert‼️Basa basa din po at guide lang po ito.
Paano ko ba to sisimulan? Baka iniisip nyo na impossible to dahil sa mahal ng mga attractions dito sa Hong Kong. Pure pocket money lang to kaya wag kayong umasa kasama ang Airfare, Accommodations at HK Attractions. Wala ng mura sa panahon ngayon. Kung nagmumura lang wallet ko minura nako nito sa sobrang gastador ko. Relate kb? Don’t worry, hindi ka nag-iisa!
Magulo ba sa Hong Kong? -Yes. May mga protests especially sa Central pero may schedules at usually during night naman at maraming announcement lalo na sa mga MTR schedules kung magsasara ng maaga. Safe ba? Yes. Safe na safe. Yung sinasabi nila na wag magsuot ng black or white, di ako naniniwala dahil mostly ng damit ko black and white. Extra cautious nalang siguro at huwag dumikit sa mga protestors. Iwasan nalang po naten. Napansin ko din na ang mga protestors ay mga young professionals and students, kaya siguro gabi at during weekends yung protests ay dahil may trabaho or pasok sila during daylight and weekdays 😅 If you want to know kung ano pinaglalaban nila, Check mo sa twitter or Google nalang po. 🤗
I’ll share may itinerary below from Day 1 to Day 7 (October 29-November 4, 2019) Inuulit ko, hindi kasama sa 10k ang mga sumusunod:
•Airfare - ( booked via Cebu Pacific) alam nyo na dun lang tayo sa mura kaya wag ng umarte na wala masyadong leg space at laging delayed ang flights. Blessed ka kung better seat ka nakaupo plus wala kang bata sa tabi mo or nakaupo sa likod mo dahil hindi mo kakayanin! (Ayoko na mag explain kung bakit, ayoko ng maalala ang mga karanasan kong di mo gugustuhin. Lol)
•Hotel Accommodations - (booked thru Agoda) Mura lang mga hotel dito sa HK, lalo na around Tsim Sha Tsui and Mongkok. Roughly 1k-1.5k pesos. Dito lang ako nag stay sa Chung King Mansion dahil second time ko na ito at nandito din yung best rates sa palitan ng PHP. Tip sa pagpapalit ng pera: Mag occular muna kayo. Madaming foreign currency exchange dito kaya make sure maging matalino tayo sa pagpili kung san magpapapalit. (Better sa City Foreign Exhange Limited or UK Echange) Nga pala, wag kang magulat na madaming sasalubong sayong mixed nationals;probably indians or pakistanis, aalokin ka nila ng hotel at kung ano ano pa. Huwag mo nalang pansinin bes. Di din pala kagandahan ang elevator dito kaya umarte ayon sa binayad. Lol. Acceptance is the key para maging masaya yung travel mo. Wala yan kung saan ka mag stay, na sayo yan kung paano ka sasaya.
•Attractions - (pre-purchased through Klook app) HK Octupus Card, 2-day fun pass HK Disneyland, Peak Tram and HK Observation wheel. Ikaw nalang siguro mag check ng mga presyo sa app. Download mo na! (Klook baka naman? 😅)
•Philippine Travel Tax - Medyo madugo to. Di ka pa nakakaalis ng bansa pero parang nanakawan kana. Joke! Wag mong seryosohin masasaktan ka lang. Basta bayad ka nalang 1620PHP. Lol
7D6N Itinerary
Day 1 (October 29)
🕰 1530H - MNL to HK (As usual delayed, pero dapat happy pa din kasi di ka na-offload 🤣 makakarating ka pa din sa destination mo!)
🕰 2000H - Touchdown HK, do the math kung anong oras na ako nakaalis ng MNL. Haha. Pag nakuha mo yung X comment mo below. Hindi yung EX mo ha. Triggered ka na naman. Claimed HK Octopus card sa counter A13 - wala pang 2 minutes! May preloaded na din na 50 HKD
🕰 2030H - took a bus dahil mas mura compare sa Airport express (MTR)
🕰 2200H- checked in sa Hotel (TST)
Day 2 (October 30)
🕰 0800H - Palit currency sa Chung King. Yung 10,000 PHP x 0.152 = 1520 HKD (Pocket Money for 7 days) Load/Refill Octupus card through 7 eleven. 500 HKD agad dahil 7 days naman ako dito at pwede mo sya gamitin mostly in all Restaurants/fast food. (Conyo ko na naman hayp*) yan na yung best rates na nakuha ko after mag occular.
📍HK Disneyland First day. Again, I booked it thru Klook. I highly recommend yung 2-day fun pass nila. Cheaper plus you can use it within 7 day period. Meaning kahit hindi magkasunod na araw. Bahala ka na kung kelan mo gustong gamitin. Na-experience namin 2 themes: Halloween and the regular theme. Iba yung shows at parades! Sobrang sulit yunh 2-day fun pass! pede na kayo mag plano for next year. 🤗
Day 3 (October 31)
📍Mongkok
📍Peak Tram + SkyTerrace
📍HK Observation Wheel
📍Lan Kwai Fong - nag celebrate ng Halloween dito sa LKF. May naganap din na protest on this day kahit weekday 😔 bago pa man din magsimula at dumami ang tao, umalis na agad kami. We made sure makabalik ng hotel before magsara yunh mga transports like MTR and Ferry. (Central to TST)
Day 4 (November 1)
📍IFC Mall
📍Central district
📍HK Cultural center
📍TST
DAY 5 (November 2)
📍Disneyland 2nd day (2-day fun pass)
DAY 6 (November 3)
Rest day - Yes kelangan mo din to sa travel. Kung short visit naman kayo pede nyo na isiksik yung itineraries nyo para mapuntahan nyo lahat
DAY 7 (November 4)
📍Mongkok - Shopping day. Sa 10,000 PHP ko na pocket money marami rami na din akong nabiling pasalubong. Galingan nyo lang tumawad. Ang technique jan alis ka agad. Then habulin ka nyan tas ibibigay din sa kung magkano yung tawad mo. Ewan ko ha, saken nagwowork.
🕰2205H - HKG to MNL
——
10K PHP KAYA BA? YES! May pasalubong pa! Basically, your pocket money will only cover transpo, and food allowance since na pre-purchased ko na yung mga attractions. Food: Street food ranges from 20-40 HKD, Fast food from 20-50 HKD, Restaurants from 50-100+ HKD and of course, Milk tea 🤣 from 18-45 HKD. Transpo: Buses and trains from 5-35 HKD depende sa layo. I hope nkatulong to. This is just a guide. To give you an idea especially sa mga hndi pa nakaka punta ng Hong Kong. Spend your money wisely! Plan din ahead of time para hndi biglaan mga bayarin. Kung hindi naman po issue ang pera, wow. Sana all! Tag someone na gusto mong makasama magtravel!
You may check or follow my social media:
Blog: https://cedriclaureta.com
End. Thanks for reading!
Comments